Amo tinutugis sa panggagahasa

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Nagsampa ng kasong panggagahasa ang isang 19-anyos na kasambahay laban sa amo nito sa Davao Occidental, iniulat kahapon.

Sa imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD), nagsimulang pagsamantalahan ang biktima noong 11-anyos pa lamang ito.

Ayon sa biktima, tuluyang nalaman ang pang-aabuso sa kanya nang mapansin ng kanyang among babae na lumaki ang kanyang tiyan.

Hindi na nakapagpigil ang biktima at tuluyang isinumbong ang suspek.

Kasama ang kanyang among babae, nagtungo ang biktima sa WCPD at naghain ng reklamo.

Patuloy na tinutugis ang suspek.

-Fer Taboy