Estudyante sinaksak sa inuman

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

GABALDON, Nueva Ecija – Duguang isinugod sa ospital ang isang 21-anyos na estudyante makaraang pagsasaksakin sa inuman sa Barangay Poblacion South sa bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ng Gabaldon police ang biktima na si John Michael Santos y Rivera habang ang mga suspek ay sina alyas Jovel at Alfeng.

Nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang sumulpot ang mga suspek, sakay sa tricycle, at pinagsasaksak sa mukha at ulo sa Gabaldon Travellers, dakong 2:40 ng madaling araw.

Patuloy na inaalam ang motibo ng mga suspek.

-Light A. Nolasco