Bebot nakipagbuno sa magnanakaw

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Arestado ang isang magnanakaw matapos nitong pasukin ang isang bahay at tangayin ang P150,000 cash sa Barangay 16, San Marcos, sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Ayon sa San Nicolas Police, nang pasukin ni Mark Nilo Tumamao ang bahay ni Mary Grace Caliva, 33, sa naturang barangay San Marcos, dakong 1:00 ng madaling araw nitong Sabado.

Ayon kay Caliva, inakala niyang mister niya ang dumating at binuksan ang pinto subalit si Tumamao ang nakita.

Nagpasaklolo ang biktima sa kanyang mga kapitbahay, ngunit pawang tulog kaya napilitan siyang makipaglaban sa suspek pero nakatakas tangay ang kanyang wallet na may P150,000 cash.

Nahaharap si Tumamao sa kasong robbery.

-Liezle Basa Iñigo