Kris na-pack up sa taas ng BP

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TUMAAS na naman ang blood pressure ni Kris Aquino nitong Miyerkules, kaya kinailangan siyang i-pack up sa shooting ng I Love You, Hater, na ipalalabas na sa Hulyo 11 ngayong taon, mula sa Star Cinema.

Kris copy

Base sa kuwento sa amin sa production, mukhang na-stress masyado si Kris dahil puro emotional scenes, o puro iyakan ang eksenang kinunan.

Talagang tataas nga ang BP niya, dahil kilala naman si Kris na kapag emotional ay nagbabago na ang timpla ng katawan nito.

Kaya saktong 8:00 ng gabi ay pinauwi na siya at kaagad na nagpahinga na.

Sinilip naman namin ang Instagram at Twitter accounts ni Kris habang tinitipa namin ang balitang ito kahapon, pero wala pa siyang post at marahil ay nagpapahinga pa rin siya.

Anyway, ipinakita na ang trailer ng pelikulang Crazy Rich Asians nang manood kami ng Ocean’s 8 sa Gateway Cinema nitong Miyerkules ng gabi. Naaliw kami sa mga katabi naming nanonood, dahil hinahanap nila si Kris.

“’San si Kris? Gusto kong makita ‘yung mga gown niya. Sabi niya magaganda at mamahalin. I’m sure mas maganda suot niya kaysa sa mga bida,” sabi ng nasa likod namin.

Hindi ipinakita sa trailer si Kris, kasi hindi naman siya ang kasama sa main cast. Pero part siya ng Crazy Rich Asians, at Hollywood movie ‘yun.

Ang maganda ay aabangan ang pelikula, na magbubukas sa Agosto, at lilipad din si Kris para sa red carpet premiere nito sa Amerika.

-REGGEE BONOAN