Kelan magkaka-baby si Anne: When we’re both ready

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA napanood naming report ng TV Patrol nitong Miyerkules ay hindi maipagkakailang bakas na bakas sa aura ni Anne Curtis ang kasiyahan dahil sa tagumpay sa takilya ng pelikula nila ni Dingdong Dantes, ang Sid & Aya (Not A Love Story).

Anne at Erwan

Bukod pa sa nasabing pelikula, ibinalita rin ng actress-TV host na sinimulan na niya ang bagong pelikula, ang Buy Bust, isang horror film na kukunan sa Aurora, Quezon.

Excited na rin si Anne sa nalalapit na grand finals ng segment na “Miss Q & A” sa It’s Showtime, sa June 30, sa Resorts World-Manila.

“Excited talaga kami ni Vice (Ganda); sa outfits, sa sagutan. Pati kami ni Vice naghahanda na rin kami ng mga outfits namin,” sab ni Anne.

Payo ni Anne sa mga beki contestants ng segment: “Stay real, listen to what the hurados have been giving, ‘yung mga advice nila,”aniya, tinutukoy ang mga judge ng segment na sina Nicole Cordovez, Jugs, Teddy, at Karylle.

Para naman sa madlang pipol na walang tigil sa katatanong kung kailan sila magkaka-baby ng asawang si Erwan Heussaff, narito ang mensahe ni Anne: “Ang dami ngang nagtatanong. Siguro sabi ko nga, dadating na lang siguro ‘yung tamang panahon, when it’s given to me. When we’re both ready for it.”

-ADOR V. SALUTA