Jolo, espesyal ang Father’s Day gift kay Bong

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG ganda ng Father’s Day gift ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa amang si dating Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., na inialay din niya sa inang si Bacoor City Mayor Lani Mercado—diploma sa pagtatapos niya ng Legal Management course in an Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) sa Lyceum of the Philippines University.

Jolo

Ipinost ni Jolo ang picture niyang hawak ang certificate at may heart-warming caption: “To my mom, accept my love and gratitude. To my dad, this is my advanced Father’s Day gift to you. To my friends and loved ones, along with people who helped me up the steps of the ladder to reach this moment, I humbly share this milestone which will always remind me that at the face of challenges, you believed that I can make it. #lpubatch2018.”

Kabilang sa mga nag-congratulate kay Jolo sina Lorna Tolentino at ang anak niyang si Gab Revilla. Hinanap ng followers ni Jolo ang name ni Jodi Sta. Maria sa mga bumati pero hindi na siguro kailangang isapubliko pa ni Jodi ang pagbati sa nobyo.

Samantala, inaabangan na ang action movie ng Imus Production na Tres, na pinagbibidahan ni Jolo at ng mga kapatid na sina Bryan at Luigi. Isasali raw ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino, at kapag nag-click ay mangangahulugang patok na uli sa moviegoers ang mga action movie.

-NITZ MIRALLES