Heart, moving on pa rin

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nakaka-recover ang aktres na si Heart Evangelista sa pagkawala ng magiging panganay sana nila ni Senator Chiz Escudero.

Heart copy

Ito ay ayon sa isang nakakuwentuhan namin na isa sa mga empleyado ng isang senador na matalik na kaibigan ng isa sa mga pinagkakatiwalang staff ni Senator Chiz.

Banggit pa ng source namin, kasalukuyang namamahinga lang daw sa bahay nila si Heart. May pagkakataon pa nga raw, ayon sa source, na umiiyak pa rin ang aktres.

Dagdag pa ng kausap namin, dahil naka-break ngayon ang Senado ay madalas na nasa tabi lang ni Heart ang asawa. Mismong si Senator Chiz pa nga raw ang kasa-kasama ng Kapuso actress tuwing pumupunta sa doktor ang huli para sa regular check-up nito.

Aware din daw naman si Heart na hinihintay na siya ng GMA network, dahil may mga commitment ang aktres na kailangan na niyang harapin. Dapat nga ay may contract signing si Heart pero tumanggi raw ang aktres.

Nag-aalala naman daw ang malalapit kay Heart sa kalagayan nito ngayon. Mahirap daw kasi na baka mauwi sa depression ang dinadamdam ngayon ng aktres.

Sa ngayon, ayon pa rin sa aming source, ay pinagbawalan daw mismo ni Senator Chiz ang mga kasamahan sa bahay na pag-usapan ang anumang negatibo hinggil sa nangyari.

Kasama naman kami ng aming source sa pagdarasal para sa mabilis na recovery ni Heart, nang makabalik na siya sa showbiz.

-JIMI C. ESCALA