BETS sa Manila Bay

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MULING matutunghayan ang hidwaan para sa tunay na lakas ng matitikas na mixed martial arts fighter ng Pilipinas at South Korea sa main event ng Battle Extreme Tournament of Superstars (BETS) VI ngayon sa Casino Filipino Manila Bay sa Ermita, Manila.

PUMORMA sa harap ng mediamen sina veteran fighter Zairy Mariano (kanan) at Anne Krystell Sabadlad matapos ang weight-in kahapon para sa kanilang pagtutuos sa women’s strawweight class ng Battle Extreme Tournament of Superstars (BETS) VI Biyernes ng gabi sa Casino Filipino Manila Bay.

PUMORMA sa harap ng mediamen sina veteran fighter Zairy Mariano (kanan) at Anne Krystell Sabadlad matapos ang weight-in kahapon para sa kanilang pagtutuos sa women’s strawweight class ng Battle Extreme Tournament of Superstars (BETS) VI Biyernes ng gabi sa Casino Filipino Manila Bay.

Haharapin ni Rogelio Enumerables, ipinagmamalaking hitman ng Den MNL, ang matibay na si Do Gyeom Lee ng BK Wangho lightweight division sa main-event ng eight-fight card ng Universal Reality Combat Championship, sa promotion ng Casino Filipino sa pamamagitan ng Live Artists Production.

Magtutuos sa co-main event ang women’s strawweight clash sa pagitan nina Zairy Mariano ng Camp Vallega kontra Anne Krystelle Sabadlad ng Mindanao Ultimate Mixed Martial Arts.

Sasabak ang 27-anyos na si Enumerables sa ikalawang professional fight. Matikas ang kanyang debut via unanimous decision laban kay Renato Jabiniano sa PXC Laban event sa Cagayan de Oro.

Tangan naman ni Lee ang 4-1 marka sa MMA career, kabilang ang submission victory kontra Jeorey Orao sa URCC 30 sa nakalipas na taon.

“The fight card we present in every CF BETS event comprise of ring warriors who have trained really hard to give fight fans an action-packed and thrilling entertainment. Like the first five instalments of this very interesting MMA series, CF BETS VI is guaranteed to be another heart-pounding fight episode that they will enjoy from start to finish,” pahayag ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Assistant VP for Entertainment Bong Quintana.

Kabilang din sa aabangan sa maaksiyong gabi ang duwelo sa pagitan nina Mark Gatmaitan ng Penalosa Boxing Gym kontra Patrick Dos Santos ng FIST Gym; Jess Dan dela Pena (Freestyle MMA) kontra Minho Kim (TOP Gym); Norman Agcopra (Metacore & Elorde NAIA) kontra Cho Seung Hyun (TOP GYM); Andy Ligao (Yellow Corner) vs Formentera (Yawchedelic Training Center) vs Moobin Lee (TOP Gym) at Johnny Merto (Qatar MMA) vs Kervin Lampacam (Subsports Ph).

Mabibili ang tickets sa halagang P3,000 kung saan kasama ang free bet coupos na nagkakahalaga ng P1,000 at P1,000 halaga ng Slot Machine Loyalty Credits.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa PAGCOR Entertainment Department at (02) 708-20-46 or (02) 526-0337 local 2401 to 2403 at PAGCOR Marketing Department at 254-6266 o bisitahin ang www.facebook.com/casinofilipino,www.facebook.com/pagcor.artists or www.twitter.com/casinofilipino.