Aga-Lea movie, tuloy na next year?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

DAHIL sa tagumpay ng Sid & Aya (Not a Love Story) ay inspirado at ganado sa paggawa ng pelikula ang Viva Films. At bakit hindi? They are on a winning streak!

Tatlong malalaking proyekto ang nakalaan para kay Aga Muhlach. Una na ang tambalan nila ni Alice Dixson, na kukunan sa Greenland. Ang ikalawang prohekto ay sa Canada ang location, at leading lady naman ni Aga si Bea Alonzo. Isa itong co-production ng Viva at Star Cinema, sa direksiyon ni Paul Soriano.

Posibleng matuloy na rin early next year ang on-and-off at pinakaaabangang balik-tambalan nina Aga at Lea Salonga.

May lahok din ang Viva Films para sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), na pinagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos, kapwa bida sa 100 Tula Para kay Estela.

Patapos na rin ang shooting ng Miss Granny, an adaptation of a Korean hit movie, na pagbibidahan naman nina Sarah Geronimo, James Reid, at Xian Lim.

-REMY UMEREZ