SMDC-Alab Pilipinas cage clinics

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

GINAMPANAN ng mga miyembro ng Alab Pilipinas, sa pakikipagtulungan ng SMDC Grass Residences, ang tungkulin sa pamayanan sa isinagawang basketball clinics kamakailan.

NAGPAMALAS ng determinasyon ang mga batang nakilahok sa SMDC-Alab Pilipinas basketball clinics kamakailan sa Grass Residences sa Quezon City.

NAGPAMALAS ng determinasyon ang mga batang nakilahok sa SMDC-Alab Pilipinas basketball clinics kamakailan sa Grass Residences sa Quezon City.

Pinangunahan ni Alab Pilipinas coach Jimmy Alapag, kasama ang mga pro basketball players na sina Paolo Javelona, Josh Urbiztondo, Dondon Hontiveros at John Ray Alabanza ang pagbibigay ng basic at tamang paglalaro ng basketball sa mga batang naninirahan sa SMDC Grass Reidences.

“Here at Grass Residences, the community is very active, and people love basketball to the point that we have 12 teams in our basketball league, and so it is an exciting opportunity for us to welcome these players,” pahayag ni Donnie Lustre, VP ng homeowners association.

Matatagpuan sa SM City North EDSA, ang Grass Residences ang isa sa modernong vertical village na kasagutan sa pangarap ng modernong pamilya. Maitutring “complete community” ang Grass Residences na may amenities na tulad ng indoor basketball courts – full court at half court – anim na volleyball courts, anim na badminton courts, indoor gym at crossfit gym, gayundin ang area para sa darts at table tennis, at anim na swimming pools – 50-meter lap pool, adult pools at kiddie pools.

“At SMDC Grass Residences, we not only pride ourselves in our facilities, but also our sense of community. We nurture community through the many activities that we host throughout the year such as sportsfests, swimming classes, group exercises like Zumba, as well as sports clinics like todays,” pahayag ni Ms. Catherine Corro, President – Grass Residences Condo Corp (GRCC) Board of Trustees.

Kabuuang 60 kabataan ang nakilahok sa Alab Pilipinas Clinic.

“It always feels great to come together with fellow basketball enthusiasts and share our experience and skills with them. We’re very thankful for SMDC and the Grass Residences community for having us. We can’t wait for the next!” pahayag ni Alapag.

Ikinatuwa rin ni Alapag ang ipinamalas na sipag at talento ng mga batang campers.

“Please continue to love and support the game, and continue to invite us to these kinds of opportunities. It’s important (for me especially) to reach out to the community because that’s where we get our support from. Without the fans, without the support of the community, there would be no Alab Pilipinas,” aniya.