‘Revolution’ concert ng JaDine, may repeat

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KUMPIRMADO nang may repeat ang Revolution concert ng JaDine!

Jadine

Tama ang nabanggit ni Regine Velasquez sa interview namin sa kanya kamakailan para sa 3 Stars, 1 Heart concert nila nina Christian Bautista at Julie Anne San Jose sa Dubai sa June 16—hindi nga magpapahuli ang local artists dahil sunud-sunod din ang concert nila.

Sabay na nag-announce ng concert sina Ogie Alcasid at Anne Curtis, na parehong sa June 15 ang labas ng kanilang concert tickets. Si Anne, sa August 18 ang 21st anniversary concert (Anne-Kulit: Promise, Last na ‘To), habang hindi pa inihahayag ang petsa ng OA concert ni Ogie.

At kahapon ay kinumpirma na nga ng Viva Live ang Revolution The Repeat concert nina James Reid at Nadine Lustre. Gagawin ito sa September 1, sa Smart Araneta Coliseum uli. Hindi lang kami sure kung same pa rin ang presyo ng tickets sa unang concert.

Post ng Viva Live: “They have conquered every stage around the Philippines, and halfway across the globe. BY POPULAR DEMAND, JaDine is back where the Revolution all started. REVOLUTION: The Repeat. Tickets available SOON!”

P e b r e r o 9 a n g unang Revolution concert, na sold out, siyempre pa, at guests sina Sarah Geronimo, Sam Concepcion, Kiana Valenciano, Bret Jackson, at Vice Ganda.

Samantala, hindi pa rin naka-open ang comment box ng Instagram ni Nadine kaya walang makapag-comment sa ipino-post niyang pictures. Hanggang likes lang ang nagagawa ng kanyang followers. Ang dami pa namang sexy pictures na ipino-post si Nadine at siguradong piyesta ang kanyang bashers kung open lang ang kanyang comment box.

-Nitz Miralles