Pontejos: Tiwala at pananalig

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

KUMPARA kina Alyssa Valdez o Michelle Gumabao, walang nakakaalam sa pangalan ni Janine Pontejos. Lubhang estranghero sa mundo ng kinalolokuhang basketball ng Pinoy.

PONTEJAS: Markadong Pinay

PONTEJAS: Markadong Pinay

Sa pagtatapos ng FIBA 3×3 World Cup, hindi na who you? ang basketball fans kay Pontejos.

Sa bibihirang pagkakataon, literal na sinamantala ni Pontejos ang pagkakataon nang pagwagihan ang three-point shootout – isa sa tatlong side event sa 3×3 – sa impresibong pamamaraan.

Nakamit ng 25-anyos na pambato ng Centro Escolar University (CEU) ang gintong medalya at tanghaling pinakamahusay na ‘shooter’ sa World 3×3.

“Wala po ako tinarget na kahit ano. Ang inisip ko lang po basta sasali lang ako sa shoot out. Ako lang yung ni-lineup para dun,” pahayagt ni Janine sa exclusive interview ng Manila Bulletin Sports Online.

Sa araw ng kompetisyon, humanga ang crowd ng pamunuan niya ang mga qualifier. Sa Finals, higit na napahiyaw ang crowd sa kahanga-hangang shooting na naiskor na 14 puntos.

Tabla ang iskor niya sa karibal na si Alexandra Stolyar, ngunit nagwagi ang Pinay dahil sa mas mabilis na tyempo sa 41.86 segundo. Naorasan ang Russian sa 49.92.

“Iniisip ko lang po kailangan ma-shoot ko mga tira ko. Kasi ang daming tao nanunuod sa akin. Nakakahiya kung di ko ma-shoot mga tira ko. Tapos kahit makakuha man lang ako ng bronze, basta may mauwi akong medal para sa Pilipinas,” aniya.

“Hindi ko po inisip na panalo na ko. Hanggat di nakakatira yung kalaban ko. Lalo oras din labanan namen. Kasi nag tiebreaker kame.”

Hindi naman sinolo ni Janine ang tagumpay at mapagpakumbabang iniaalay ang tagumpay sa fans at sa kanyang teammates.

“Siguro po dahil sa mga teammates ko kaya kompyansa din ako. Mas may tiwala nga sila na mananalo ako kesa sa sarili ko,” pahayag ni Pontejas.

“Wala po ako pakialam kung papano nila ko maliitin o laitin sa kung anong meron ako. Performance naman po ang labanan. Kaya papakita ko na lang po kung bakit ako nandun,” aniya.

Para Janine, umaaa siyang mas kikilalanin ang women’s basketball sa tagumpay niya sa FIBA event.

“Sobrang saya ko po. Ito po ang kauna-unahang award na nakuha ko sa international. Mas lalo po ako na-inspire na mag trabaho para sa bayan. At siguro mas makikilala na yung womens basketball ng PH sa naggawa ko,” aniya.

“Sa lahat po ng mga manlalaro, especially sa kababaihan, wag nyo po kakalimutan mag pasalamat sa taas. Hindi nya tayo papabayaan. Second is maging hardworking lang, kailangan dedicated ka sa ginagawa mo. Ang pinakamahalaga is always stay humble. Kahit anong narating sa buhay wag nyo kakalimutan kung san ka nag mula.”

-Brian Yalung