PNP may artist sketch ng mga suspek sa priest slay

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Mayroon nang artist sketch ng mga suspek sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo sa Zaragosa, Nueva Ecija, kinumpirma kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde.

Ayon kay Albayalde, hindi pa mailalabas ang artist sketch dahil may ongoing operations laban sa mga suspek.

Dalawang araw ang hiningi ng pulisya sa Police Regional Office-3 (PRO-3) para maaresto ang mga suspek at kapag hindi nahuli ay saka ilalabas ang artist sketch ng mga suspek.

Tatlong anggulo ang sinisilip ng awtoridad sa posibleng motibo sa pagpatay sa pari; ang debate sa Iglesia ni Cristo, away sa lupa, at ang pagtulong nito sa mga biktima ng pang-aabuso.

-Fer Taboy