P5.7-M ‘shabu’ sa dalawang sementeryo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Inaalam ng Philippine National Police (PNP) kung sino ang supplier ng dalawang katao na nasamsaman ng P5.7 milyon halaga ng umano’y shabu sa dalawang sementeryo sa Cebu City, nitong Martes ng gabi.

Hindi pinangalanan ng Cebu City Police Office (CCPO) ang mga suspek dahil inaalam pa ang supplier ng mga ito sa Barangay Carreta, Cebu City.

Unang nasamsam ng awtoridad sa isang suspek, sepulturero, ang umano’y shabu, na may bigat 475 gramo, na nagkakahalaga ng P5.6 milyon.

Pinaghahanap din ng awtoridad ang anak ng suspek na tumakas sa gitna ng operasyon.

Samantala, nasamsam sa isa pang suspek ang nasa P100,000 halaga ng droga sa Chinese cemetery sa naturang barangay.

-Fer Taboy