No. 3 most wanted sa Ilocos, huli sa NE

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CUYAPO, Nueva Ecija – Nalambat sa pagsasanib na puwersa ng Cuyapo police station at Narvacan Police station ang isang 23-anyos na lalaki na wanted sa kasong rape, sa manhunt operation sa Barangay Sabit sa bayang ito, nitong Lunes ng hapon.

Dahil sa warrant of arrest, hindi na nakapalag sa arresting team si Edwin Javier y Mariano, alyas Bollad, ng Bgy. Parpania, Narvacan, Ilocus Sur nang makorner bandang 4:40 ng hapon.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Light A. Nolasco