Martin, handang magpaka-basher sa bagong talk show

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KUNG mahuhusay na male talk show hosts sa bansa ang pag-uusapan ay tiyak na kabilang dito si Martin Nievera. Ikatutuwa ng libu-libo niyang followers ang pagbabalik niya sa bagong late-night show na LSS: The Martin Nievera Show sa ANC. Ngayong Hunyo na eere ang programa.

Martin

“Excited ako sa bagong show dahil hindi lamang mga celebrities ang magiging guests ko kundi prominent businessmen, leaders and entrepreneurs,” sabi ni Martin, na isa sa mga nag-alay ng awitin sa huling gabi ng burol ng ina ng Viva big boss na si Vic del Rosario.

“I will ask them questions na gustong malaman ng marami. I will be a fan, an spectator or even a basher,” sabi pa ni Martin.

Ipinakilala si Martin bilang bagong miyembro ng ANC Family sa launching event na ginanap sa Rockwell kamakailan.

Dekada ‘80 at ‘90 nang humataw nang husto si Martin bilang prolific host at entertainer. Top-rater din ang kanyang Martin After Dark at Martin Late at Nite.

-REMY UMEREZ