Kris, imposibleng kumandidato sa 2019

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NOON pa man ay marami na talagang humihikayat na sumabak sa pulitika ang nag-iisang Queen of Online World at World at Social Media na si Kris Aquino, pero parati niya itong tinatanggihan.

Kris copy

At dahil sa katatapos na gusot nila ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson ay nagbitaw ng salita si Kris na sa kapipilit ng iba at dahil na rin sa nangyari ay naiisipan na niyang magpulitiko.

Kung itutuloy ni Kris ang pagkandidato sa 2019 ay tiyak na maraming boboto sa kanya, gaya na rin ng paniniwala ng pinsan niyang si Senator Bam Aquino.

Naniniwala rin kami na hindi masasayang ang budget na ibibigay kay Kris, dahil hindi niya ito ibubulsa at malamang na abonado pa siya, lalo na sa mga project niya na gusto niyang mas lalo pa niyang pagagandahin, kaya tiyak na maraming add-ons.

“At this point, anyone who is willing to stand up and speak out, have that voice is is welcome. Anyone who is winnable and kaya manindigan is more than welcome,” sabi ni Senator Bam sa isang panayam. “Si Kris, if she decides to run, I think she’d win. Honestly ha, kung itutuloy niya ‘tong paninindigan laban sa ginagawa ng mga administrasyon, I think she’d be very welcome in the Senate.”

Planong kumandidato ulit ni Senator Bam sa ikatlong termino, at kung talagang plano ni Kris na tumakbo ay pag-uusapan daw ito ng kanilang pamilya.

“To be honest, pag-uusapan pa namin ‘yan. Siya naman ‘yung ate, ‘di ba? That’s a family decision obviously,” sabi pa ng senador.

Pero tulad nga ng paulit-ulit na pahayag ni Kris, malabong mangyari dahil marami siyang kontratang pinirmahan hanggang 2020.

Base sa sagot ni Kris sa kanyang IG account sa pinsan niya, “@Bam Aquino, Thank you. But you do realize I’ll violate the contract I signed w/c your wife @timiaquino negotiated if I run for any elective post in 2019?”

At inisa-isa ni Kris ang mga brand partner niya: “@chowkingph renewed me until 2020 for my haters, please patronize #Ariel from P&G, @pldthome, @livesmart, @iflix.ph, Nutri-Asia products, Monde Nissin, @ultherapyph, @ everbilenaofficial, #UniPak, @healthyfamilyph, an Indonesian conglomerate I cannot name, the biggest Korean home appliance & entertainment company, a Thailand beauty company w/c I also cannot name, a residential properties industry leader, @unilab, a world leader airline not based in the Philippines, and the world’s biggest food company—all of whom I have commitments with that specifically state that I won’t seek any elective post in 2019 & I will refrain from any divisive political statements except when defending honor & dignity of family marami pang ibang contracts pero ma bo-bored na kayo reading the list & I’m afraid of violating non-disclosure agreements.

“To all those who continue to love & support me—please join me in being super grateful to these companies for truly believing in my trustworthiness & credibility. Totoo naman po—MAY TAKOT AKO. Takot akong sirain ang aking palabra de honor (Word of Honor) & gibain ang pakiramdam kong mga dapat kong ipagmalaki-marunong akong tumanaw ng utang na loob at may #LOYALTY ako sa mga nagbigay ng trabaho at tiwala sa akin.”

At base sa mga nabasa n ami n g k ome n t o n g followers ni Kris, lahat ay pabor na kumandidato siya at susuportahan nila siya.

Galing kay “@iamgene1985 Good morning Ms @krisaquino w e are always here to support you even though you don’t want to enter politics…I’m always be your fan no matter what and thank you for being my inspiration to be humble. I admire you for being so #bravewoman for fighting for what is right.”

Mula kay @Imdrahcir, “Miss Kris bagay po kau sa senate..I’m sure hindi magiging boring ang senate lalo na pag may mga investigation.”

Komento ni @ellamimura: “Yes na yes ms Kris go for senator you’re very intelligent I know

-REGGEE BONOAN