Kapwa celebrities, excited na sa AgaBea movie

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY update si Aga Muhlach sa shooting nila ni Bea Alonzo sa Vancouver, Canada. Si Paul Soriano ang direktor ng pelikulang pagbibidahan nila.

Bea at Aga copy

At sa hashtags na ginamit ni Aga na #1017, #starcinema, at #vivafilms ay alam na co-production ito ng three film companies.

Wala pang title ang pelikulang idinidirehe ni Paul Soriano, unless title na ang “Nick and Ali” na pangalan nina Aga at Bea sa movie, na parang Sid & Aya nina Dingdong Dantes at Anne Curtis lang ang peg.

Post ni Aga: “Had so much fun on our 1st shooting day! Exciting times! Happy to be working with you, @beaalonzo and @paulsoriano1017.”

Pati mga kapwa artista nina Aga at Bea ay excited sa first time nilang pagtatambal.

Kabilang sina Lorna Tolentino at Carla Abellana sa mga nag-like sa picture na ipinost ni Bea sa kanyang Instagram.

Si Marvin Agustin naman, tinanong si Bea kung kailan ang showing ng movie, na sinagot ng aktres ng, “idk yet!!! But definitely this year!” “Excited for this!!!” naman ang comment ni Iza Calzado, na sinagot ni Bea ng “me too!!”

May AgaBea fans agad na nangakong susuporta sa movie nina Aga at Bea, at gagawin daw nilang blockbuster ang nasabing pelikula.

-NITZ MIRALLES