Faledonia, kampeon sa Meralco tourney

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

PINAGHARIAN ni Philippine Chess wizard Jasper Concepcion Faeldonia ang katatapos na 1st Meralco Chess Club Youth Rapid Chess Tournament nang talunin si San Beda University bet Johann Cedrick Gaddi sa seventh at final round nitong weekend sa Multi-Purpose hall, Meralco Compound, Ortigas Avenue sa Pasig City.

Nakapagtala si Faeldonia ng anim na panalo at isang 1 kabiguan para sa kabuuang 6 puntos pareho nang nakuha nina Ma.Elayza Villa, Antonella Berthe Racasa at Mark Joseph Barbosa.

Subalit ang 13-anyos na si Faeldonia mula Odiongan, Romblon ang hinirang na over-all winner dahil sa mas mataas ang tie break points ayon kina tournament director FM Leonardo “Leo” Carlos at Chief Arbiter NA Alexander “Alex” Dinoy sa one-day event na nilahukan ng 106 players.

Si Faeldonia ay incoming Grade 8 student ng Arellano University under the watchful eye ni National Master Rudy Ibanez.

Naitala ni Faeldonia ang importanteng panalo kontra kina Kylle Czedrick Canque sa first round, Mar Aviel Carredo sa second round, Alexis Vien Sim sa third round, John Andrew Margarito sa fifth round, Cyrus James Damiray sa sixth round bago talunin si Gaddi sa final canto.

Natamo niya ang nag-iisang pagkatalo kay Mckertzee Gelua sa fourth round.

Si Faeldonia kung saan ang kanyang local at international chess campaign ay suportado nina Odiongan, Romblon Mayor Trina Firmalo, Manila 4th district councilor Anton Capistrano at sportsman Reli de Leon ay nagkampeon din sa 2018 National Age Group Chess Championships (NAGCC) Grand Finals Boys Under-14.