Engineer hinoldap sa waiting shed

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TALAVERA, Nueva Ecija – Nanlumong dumulog sa awtoridad ang isang dalaga makaraang tutukan ng baril at holdapin ng mga sakay sa motorsiklo habang naghihintay ng masasakyan pa-Maynila sa Barangay La Torre sa bayang ito, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktimana si Joyce Trajano y Garcia, 23, civil engineer, ng nasabing barangay.

Ayon kay Trajano, nag-aabang siya ng bus kasama ang kanyang ina at lola nang hintuan ng mga suspek at nagdeklara ng holdup.

Natangay sa biktima ang iPhone 6, Samsung J2 cell phone, mga identification (ID) cards, bank check na nagkakahalaga ng P170,000, P3,000 cash.

-Light A. Nolasco