Dalaga nahulog sa bubong

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Patay ang isang 16-anyos na babae nang mahulog mula sa bubong ng isang warehouse, may taas na 30 talampakan, sa Valenzuela City, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni PO2 Regoe Germedia ng Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela Police, ang nasawi na si Clarisse Mae Asis, ng No. 6883 Tatalon Street, Barangay Ugong, Valenzuela City.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naglalaro si Asis sa rooftop ng kanilang bahay, kasama ang nakababatang kapatid na lalaki, at nagawi sa bubungan ng Top Sack Corporation at nahulog, bandang 11:45 ng umaga.

Ayon sa imbestigador, naapakan ni Asis ang marupok na bahagi ng bubong at tuluyang nahulog.

Orly L. Barcala