Coco kay Vice: ‘Di kami naglalaban-laban

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MATATANDAANG noong nakaraang taon ay naging magkatunggali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Ang Panday ni Coco Martin at ang Gandarrapido: The Revenger Squad ng BFF niyang si Vice Ganda.

Coco copy

At ngayon ay matunog ang usap-usapan na posibleng maulit ang pagtutunggali sa 2018 MMFF nina Vice at Coco.

Kaagad namang nilinaw n i Co c o n a h i n d i dapat bigyan ng isyu ang muling pagtatapatan ng mga pelikula nila ng host ng It’s Showtime.

“Actually, ‘ d i n ami n i n i i n t i n d i ‘ y u n . An g layunin namin kasi mapaligaya namin ang mga manonood,” sinabi ni Coco sa panayam ng PEP at Cinema News sa katatapos na 66th FAMAS Awards nitong Linggo.

“At saka siyempre, ako naman, sabi ko nga, ‘di kami naglalaban-laban. Nagtutulungan kami para bigyan ng buhay at maging mas masigla ang Metro Manila Film Fest kapag Pasko,” dagdag pa ng bida ng Ang Probinsyano.

Kasabay nito, kinumpirma rin ni Coco ang pagsasama nila ni Vic Sotto para sa entry nila sa MMFF 2018.

“Actually, nakapag-usap na kami (ni Vic),” sabi ni Coco. “Excited? Sobra, kasi matagal ko nang pangarap na magkatrabaho kami ni Bossing. Pinalad naman na pinagbigyan niya ako, sana magdire-diretso.”

Ayon kay Coco, matagal na niya talagang gustong makasama ang komedyante sa isang proyekto, dahil idolo niya si Bossing noon pang panahon ng Tito, Vic and Joey trio, kasama sina Senator Tito Sotto at Joey de Leon.

“Ay naku, siyempre, Tito, Vic and Joey! Lahat naman tayo talaga idolo sila, lalung-lalo na pagdating sa komedya,” sabi pa ni Coco. “Isang malaking karangalan na makatrabaho ko, siyempre si Bossing.

-ADOR SALUTA