Class at work suspension, linawin

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Panahon na para palitan ang “obsolete” na executive order ni dating Pangulong Benigno Aquino III tungkol sa pagsususpinde ng klase at trabaho.

Ito ang iginiit kahapon ni Assistant Majority Leader, 1-Ang Edukasyon Party-list Rep. Salvador Belaro Jr., sinabing limitado lang ang Executive Order 66, series of 2012 sa public storm warning signals ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), at nagbibigay ng pahintulot sa mga lokal na opisyal na magpatupad ng sariling suspensiyon.

“The effects of storms are no longer what they used to be. Storms these days are more powerful and destructive. Even Signal No. 2 storms cause heavy rain and killer floods. We have more extreme weather events now than ever before because of global warming and climate change. Monsoon rains do not have storm warning signals,” ani Belaro.

Hinikayat ni Belaro ang Malacañang na gamitin ang House Bill 6072 bilang gabay para sa isang bago, makabago at mas kapaki-pakinabang na EO para sa suspensiyon ng klase at trabaho tuwing may kalamidad.

Batay sa HB 6072, maaaring magsuspinde ng klase at trabaho ang Malacañang at mga awtoridad para sa Storm Signal No. 2, sa halip na Signal No. 3.

Sakop din sa HB 6072 ang ibang kalamidad, tulad ng landslides, lindol, sunog, tsunami, storm surge, toxic chemical spills, barilan, hostage-taking, kidnapping, banditry, terorismo, at state of emergency.

-Charissa M. Luci-Atienza