Binatilyo dedo sa kidlat

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

GERONA, Tarlac – Patay ang isang 15-anyos lalaki habang sugatan ang pitong iba pa nang tamaan ng kidlat sa Barangay Dicolor, Gerona, Tarlac, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ni PO1 Mark Ryan Cudal, imbestigador, ang namatay na si John Mark Dela Cruz ng MIA Road, Bgy. Pinahan, Quezon City.

Sugatan naman sina Sanday Arellano, 31; Mary Anne Adrian, 24; Rhey Lamaron, 22; Manuel Adrian, 50, pawang ng Bgy. Dicolor, Gerona, Tarlac; Geraldine Brillantes, 4; at John Ray Arelladop, anim na buwan, ng Bgy. Dicolor, Gerona, Tarlac.

-Leandro Alborote