1 patay, 5 duguan sa motorsiklo vs tricycle

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

LA PAZ, Tarlac – Isa ang nalagutan ng hininga at lima ang sugatan sa salpukan ng motorsiklo at tricycle sa Tarlac City Road ng Barangay Caramutan dito kamakalawa.

Patay sa banggaan si Jayson Santos, nasa hustong gulang, driver ng motorsiklo, habang sugatan ang angkas niyang si Martin Cruzosa, nasa hustong gulang, ng Bgy. Guevarra, La Paz, Tarlac.

Sugatan din ang driver ng tricycle na si Jay Espinosa, gayundin ang pasahero niyang sina Marvin Laquindanum, ng Bgy. Buenavista, Tarlac City; Ricky Pecana; at Benerson Punzalan, pawang nasa hustong gulang, ng Bgy. Pitabunan, Concepcion, Tarlac.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng salpukan.

-Leandro Alborote