Rose McGowan, lilitisin sa cocaine case

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HAHARAP ang aktres at aktibistang si Rose McGowan sa paglilitis sa Enero dahil sa kasong felony cocaine possession sa Virginia.

Rose McGowan

Ayon sa news outlets report, nakatakda ang trial ni Rose sa Martes, isang araw makaraan siyang kasuhan. At magbabalik sa Enero 15.

Nakalahad sa dokumento na nakuhanan ng cocaine si Rose sa kanyang naiwang wallet sa eroplano noong nakaraang taon.

Pinanindigan naman ni Rose na siya ay inosente, at iginiit na ang drugs ay itinanim o inilagay lamang sa kanyang wallet, sa utos ng producer na si Harvey Weinstein.

Tinawag naman ng abogado ni Harvey, si Ben Brafman, ang alegasyon na “ludicrous claim.”

Isa si Rose sa mga unang nag-akusa ng sexual assault kay Harvey.

Ipinahayag naman ng abogado ng aktres na si Atty. Jose Baez na ang kaso ay resulta ng “activism as a voice for women everywhere” ni Rose.

-Associated Press