Murder vs 10 katao na nanlamog sa rider

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Nasa 10 katao ang mahaharap sa kasong pagpatay sa isang rider na kanilang binugbog sa Bintawan Road, P-2, Barangay San Luis, Solano, Nueva Vizcaya, iniulat kahapon ng Solano Police sa Nueva Viscaya.

Kinilala ni PO3 Michael Querimit ang biktima na si Roland Dexter Badua, 31, ng P-5, Bgy. Aggub, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa ulat, bumaba ang biktima upang kumprontrahin ang driver ng kotse na umano’y nang-agaw ng kanyang linya.

Nagkainitan ang dalawa hanggang kuyugin ang biktima ng mga residente sa nasabing lugar.

-Liezle Basa Iñigo