Misis pinagtataga ng mister

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SAN JOSE, Tarlac – Patay ang isang ginang nang pagtatagain ng asawa nito sa Barangay Mababanaba, San Jose, Tarlac kamakalawa.

Halos maligo sa sariling dugo si Crisanta Acosta, 35, na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sinasabing selos ang nagtulak kay Fidel Acosta, 42, para patayin si Crisanta. Siya ay boluntaryong sumuko sa San Clemente Police Station, bandang 4:45 ng hapon.

Nakadetine ang suspek sa San Jose Police Station at nahaharap sa kasong parricide.

-Leandro Alborote