Kapitan patay sa NPA

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SAN NARCISO, Quezon – Pinatay ng pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang kapitan sa Barangay Busokbusokan dito kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Ruben Aureada Carabido, 53, punong barangay ng Bgy. Binay sa Quezon.

Binisita ni Carabido ang kanyang kapatid sa nasabing lugar nang sumulpot ang walong hinihinalang miyembro ng NPA at tatlong beses binaril ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Danny J. Estacio