‘Kahit ano, naghihintay kay Durant’ – Warriors GM

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

OAKLAND, California (AP) — Walang duda na mananatili si Kevin Durant bilang Warriors at inaasahan ni general manager Bob Myers na magaganap ito na walang kuskos-balungos.

Ayon kay Myers, handa na ang apat na taon na nagkakahalaga ng US$160 milyon para kay Durant, ngunit, ayon kay Myers handa rin ang Golden State sa anumang kaganapan o kahilingan ng back-to-back Finals MVP.

“We’re ready whatever he wants,” pahayag ni Myers.

Tahasan naipahayag ni Durant na mananatili siya para tulungan ang Warriors na mapatatag ang bagong ‘dynasty’ sa NBA. Tangan ng Warriors ang tatlong kampeonato sa huling apat na Finals.

“Sometimes you don’t negotiate. I’d love to have him for 10 years. Kevin Durant, look what he did for us last year, he did us a great service,” ayon kay Myers.

“He’s earned the right to sign whatever deal he wants. I just want him to sign a deal. But want him to be happy and want him to know that we want him as long as he wants to be here. He’s earned that, to kind of lay out the terms. He can do whatever he wants. That shouldn’t be a long negotiation. Our goal, to be honest, is to try to keep the whole thing together, so that’s the pieces of the puzzle we’ve got to try to figure out,” aniya.

Tulad ni Durant, wala ring nakikitang dahilan para hindi pumirma ng contract extention si coach Steve Kerr na may nalalabi pang isang taon sa orihinal na limang taong kontrata.

“We’ll get that done pretty quick, I don’t think it’ll be much to it,” pahayag ni Kerr.

Hangga’t maaari, nais ni Myers na mapanatili ang buong ‘core’ ng two-time defending champions at inihahanda rin niya ang panibagong kontrata para kina Draymond Green at Klay Thompson.

“Sure, guys have proven they can win so you want to keep that group together. I have no idea how that’ll play out. It’s a lot of different conversations that have to take place and if that’s something that we want to look into I’m sure we could have those — Klay’s got another year, Draymond’s got two more. Kevin’s really the free agent we have to focus on,” pahayag ni Myers.