Election officer niratrat ng tandem

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

MABINI, Batangas – Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang election officer sa Bauan, Batangas, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Noel Alvares Meralles, 53, residente ng Barangay Dumantay, Batangas City.

Sa report mula kay Provincial Director Sr. Supt. Edwin Quilates, nag-aabang ng masasakyan ang biktima nang pagbabarilin dalawang lalaking sakay sa motorsiklo sa Bgy. 4, Poblacion, Bauan, dakong 6:10 ng gabi.

Patay na ang biktima nang isugod sa Bauan General Hospital.

Inaalam na ang motibo sa insidente.

-Lyka Manalo