Ed Sheeran, may wax figure sa cat café

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKAPAGTANGHAL na si Ed Sheeran sa iba’t ibang stadium sa buong mundo – at ngayon ay may wax figure na siya sa isang cat café.

Ed

Ipinakita sa waxwork museum na Madame Tussauds nitong Martes ang wax figure ng British chart-topping musician sa Lady Dinah’s Cat Emporium sa London, kung saan maaaring uminom ng kanilang drinks ang mga customer habang pinalilibutan ng iba’t ibang uri ng pusa.

Ang figure ni Sheeran ay nakasuot ng checked shirt, at nakalabas ang mga tattoo ng singer habang hawak ang gitara—at makikitang pinaglalaruan ng mga pusa ang nasabing wax figure.

“Knowing what a pet lover he is, launching the figure at London’s renowned cat café felt like something the man himself would surely approve of,” lahad ni Edward Fuller, general manager sa Madame Tussauds sa London, sa isang pahayag.

Kalaunan ay ililipat ang figure sa museum.

-Reuters