Buwis-buhay selfie: 2 Australian nasawi

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

LISBON (AFP) – Patay ang isang magkaparehang Australian na nahulog sa pader na nakatanaw sa isang sikat na tourist beach sa Portugal, nang mawalan sila ng balanse habang nagse-selfie, sinabi ng isang opisyal nitong Martes.

“Everything seems to indicate that the fall happened when they were probably trying to take a selfie,” ani Rui Pereira da Terra, head ng rescue service sa Cascais port malapit sa Lisbon.

“It seems they dropped their mobile phone and fell down while leaning over to retrieve it,” dugtong niya.

Nangyari ang malagim na aksidente sa coastal town ng Ericeira, isang sikat na surfing spot may 30 kilometro ang layo mula sa Portuguese capital.

Ang beach ay pinalilibutan ng 40-metrong mataas na pader.