Allison Mack at Keith Raniere, sabay na humarap sa Korte

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BUMALIK sa korte si Allison Mack nitong Martes, kasama ang kanyang mentor, si Keith Raniere — ang kanilang pangalawang pagkikita simula nang maaresto ang huli sa Mexico noong Marso.

Allison

Ayon sa ulat ng Yahoo Celebrity, humarap sa korte ang Smallville actress at si Keith para sa isang status conference na may kaugnayan sa mga alegasyon ng nagpapatakbo sila ng sex cult sa loob ng self-help group na Nxivm, na itinatag ni Keith.

Ang dalawa ay kapwa kinasuhan ng sex trafficking, sex trafficking conspiracy, at conspiracy to commit forced labor. Nag-apela naman ang bawat kampo ng not guilty plea sa lahat ng kaso.

Dumating si Allison, 35, sa Brooklyn federal court kasama ang kanyang mga abogado. Siya ay kasalukuyang naka-house arrest makaraang pansamantalang makalaya sa piyansang $5 million. Nitong Marts ng hapon, ibinasura ng hukom ang hiling ni Keith na makalaya sa piyansang $10 million. Iginiit ng mga prosecutor na anumang oras ay maaari siyang lumipad palabas ng Mexico dahil ilang high-ranking Nxivm members, ang maaaring magbigay ng pera sa kanya para tumakas.

Maraming mayayamang miyembro ang Nxivm, kabilang sina Clare Bronfman, na anak ng bilyonaryo at dating former Seagram chairman na si Edgar Bronfman.

Ayon sa AP, nagbigay ng label si Assistant U.S. Attorney Moira Penza, na tugmang-tugma sa description ni Bronfman bilang isang co-conspirator sa kaso. Hindi pa siya pinapatawan ng anumang kaso.

Inihayag ng Nxivm sa website nito na sinususpinde ng grupo ang “enrollment, curriculum and events until further notice.”

“While we are disappointed by the interruption of our operations, we believe it is warranted by the extraordinary circumstances facing the company at this time,” lahad sa mensahe. “We continue to believe in the value and importance of our work and look forward to resuming our efforts when these allegations are resolved.”

Inakusahan sina Keith at Allison ng umano’y pagpapatakbo ng women-branding secret sorority sa loob ng Nxivm na tinatawag na DOS. (Pinailing Latin phrase na ang ibig sabihin ay “Master Over Slave Women”). Inuutusan umano ng aktres ang “slaves” na magsagawa ng sexual acts kasama si Keith, na nakadetalye sa nakawiwindang na court documents.