Tulak dedo sa ‘panlalaban’

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

GAPAN CITY, Nueva Ecija – Isang tulak ng pinagbabawal na gamot ang napatay nang manlaban umano sa anti-illegal drugs operation sa Barangay Bayanihan, Gapan City, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan police, ang napatay na si Jeffrey Pascual, alyas Epoy, ng Bgy. Bayanihan.

Sa ulat ng pulisya, binentahan ng suspek ang isang police poseur-buyer at nakahalata ito na pulis ang kanyang katransaksiyon.

Bumunot umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis na nakipagbarilan sa kanya na nagresulta sa pagkamatay nito.

Nasamsam sa suspek ang isang cal. 38 revolver; drug money; at ilang pakete ng umano’y shabu.

-Light A. Nolasco