Pulis timbog sa extortion

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Nadakip ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Candelaria Municipal Police Station ang isang bagitong pulis na umano’y nangikil sa isang negosyante.

Mismong sa bahay ni PO2 Robbin Robiso ikinasa ng mga tauhan ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) ang entrapment operation sa Barangay Pagasa, Dasmariñas, Cavite, nitong Sabado ng hapon.

Inaresto si Robiso matapos tanggapin ang marked money na P10,000 mula sa biktima.

Inakusahan ni PO2 Robiso ang complainant, hindi binanggit ang pagkakakilan, na kasabwat sa pagnanakaw at pagbebenta ng armas base sa isang pag-uusap sa pagitan ng seller at ng complainant.

Nakakuha ng video ang CITF kaugnay ng extortion activity na kinasasangkutan ng pulis.

Nakatakdang kasuhan si Robiso ng kriminal at administratibo.

-Fer Taboy