Publiko inalerto vs Akyat Bahay

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

BAYAMBANG , Pangasinan – Pinag-iingat ng awtoridad dito ang publiko sa isang van na gumagala upang magnakaw ng mga gamit.

Ito ay matapos mabiktima ang mag-asawang sina Gener Ecalner, 43, photographer; at Jocelyn Ecalner, 42, negosyante, ng Bgy. Buayaen.

Anila, pinasok ng mga suspek ang kanilang bahay at tinangay ang kanilang gamit.

Sa imbestigasyon, nagtungo ang mag-asawa sa puwesto nila sa M.H. Del Pilar Street, bandang 6:00 ng umaga.

Pagbalik nila kinahapunan, isang van ang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay at naroon ang kanilang mga gamit na aabot sa P800,000.

-Liezle Basa Iñigo