Negosyante nirapido ng tandem

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

STA. ROSA, Nueva Ecija – Dead-on-the- spot ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap mismo ng girlfriend nito habang sila ay nagpapa-vulcanize sa Barangay Maliolio, Sta. Rosa, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng Sta. Rosa Police ang biktima na Tarciana Mangahas, 43, ng nasabing lugar, na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kasama ng biktima ang kanyang kasintahan na si “Kimberly” nang magpa-vulcanize ng kanilang sasakyan at sumulpot ang mga suspek at pinaputukan ang biktima.

Nire-review na ng awtoridad ang closed-circuit television (CCTV) footage upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

-Light A. Nolasco