3 magkakapatid kinatay ng kuya

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Patay ang tatlong magkakapatid nang gilitan ng nakatatandang kapatid sa Calatrava, Negros Occidental, nitong Sabado ng hapon.

Sa imbestigasyon ng Calatrava Municipal Police Station (CMPS), kinilala ang mga biktima na sina Gregor, 1; Alejandro, 5; at June Renz, 14, na nakatira sa Sitio Capanoyan, Barangay Marcelo, Calatrava.

Hiniwa ang leeg ng mga biktima ng kanilang kuya na si John, 16, na sinasabing may problema sa pag-iisip.

Base sa report, naganap ang krimen sa bahay ng magkakapatid, bandang 1:00 ng hapon.

Napag-alaman na wala sa bahay ang mga magulang ng magkakapatid nang sumpungin umano ang suspek.

Tumakas ang suspek matapos ang insidente.

-FER TABOY