Manila Bay Clean-Up Run, simula na ang pagpapalista

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

SIMULA na ang pagpapatala ng lahok para sa Manila Bay Clean-Up Run sa Hulyo 15, ayon sa organizing Manila Broadcasting Company (MBC).

Ang patakbo ay bukas para sa lahat ng running aficionados at sports buff at naghihintay ang mga dibisyon na 3k, 5k, 10k, at 21K na mapagpipilian na lahukan ng mga lalaki at babae. May naghihintay na cash prize at medalya s amga mangungunang runners sa bawat dibisyon.

Tumatanggap na ng lahok sa MBC lobby sa Sotto St., CCP Complex, pasay City . Bukas na rin ang pagpapatala sa Olympic World Village Robinson Forum, Gateway Mall, Festival Mall, at SM Taytay, gayundin sa Olympic Outlet sa Robinson’s Antipolo. Ang huling araw ng pagpapalista ay sa Hunyo 30, 2018.

Ang fun run ay isa lamang sa mga proyektong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng programa sa paglilinis ng Manila Bay. Patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga establisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan ang basura at linisin hindi lamang ang karagatan bagkus maging mga ilog, estero, at iba pang maliliit na daluyan ng tubig sa karugtong nito.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run, maaring makipag-ugnayan sa Runners Link sa telepono bilang 0926-205-2787.

  • filip bamboo

    Patuloy ang dagsa ng mga basura sa Manila Bay kahit araw-araw na linisin. Ang mga walang disiplinang mga Filipino na walang habas na nagtatapon ng basura.

    • Dino GO Ang Bob Uy

      basura kase ang Prisidinti eh …hihhikhikhikhikhikkkkkk
      parang mga ministro mo rin na ‘basura’ ang laman ng utak nila …hahahhahhhh

      • filip bamboo

        BUGOK! ANO NA NAMANG KATARANTADUHAN YANG PINAGSASABI MO KULTADO NA UTAK MO KASISINGHOT BATO! MALAPIT KA NG MATOKHANG UNGAS! BWAHAHAHHAHAHAHAAAA!

        • Dino GO Ang Bob Uy

          iyan ang epekto sa’yo ng pagsa-SHABU mo, kaya ka ba-BUGOK …hikhikhikhikhikkkkkkkkkkk