Honda PH, kaakibat sa Color Manila

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

HINDI lang pamporma, pang-isports pa.

balitaNAKIISA ang mga kinatawan ng Honda Philippines sa mga running enthusiast sa ginanap na Color Manila Run nitong weekend sa Taguig City.

NAKIISA ang mga kinatawan ng Honda Philippines sa mga running enthusiast sa ginanap na Color Manila Run nitong weekend sa Taguig City.

Pinatunay ng Honda Philippines, Inc. (HPI), ang nangungunang motorcycle manufacturer sa bansa, ang malasakit sa isports sa pakikipagtambalan sa Color Manila CM Challenge obstacle fun run nitong weekend sa McKinley West sa Taguig City.

Matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng katulad na programa sa Clark, Pampanga at Sta. Rosa, Laguna sa nakalipas na dalawang buwan, muling umarangkada ang HPI para sa isa pang kapana-panabik at makabuluhang patakbo ng Color Manila.

“In Honda, we believe in providing the joy of mobility to every Filipino, which is why we sponsored Color Manila Paradise Run, the biggest and most colorful concept run in the country and spread the excitement and fun in different cities in the Philippines. Through Color Manila, we can relate to the interests of the millennials through their fun lifestyle,” pahayag ni Mr. Jomel Jerezo, General Manager and Department Manager of Motorcycle Business Planning.

Kakaiba at tunay na mapaghamon ang CM Challenge kung saan ang mga kalahok ay sasabak sa skip, hop, slide, crawl, at run activities sa kabuun ng 5 kilometrong distansiya.

Inilunsad noong 2012, ang Color Manila ang natatanging patakbo na literal na makulay dahil sa iba’t ibang kulay na pulbos na isinasaboy sa mga kalahok sa kalagitnaan ng karera hanggang sa finish line.