Aktres, na-trauma sa sikat na ex

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NA-TRAUMA pala ang kilalang aktres sa dinanas niya sa ex-boyfriend niyang sikat ngayon at may ibang karelasyon na. Ginawa kasi siya nitong sunud-sunuran sa lahat ng gusto nito.

Awang-awa ang source namin nang malaman niya ang kuwento ng dinanas ng kilalang aktres sa ex-boyfriend nito, dahil kulang na lang ay ginawang personal assistant ang aktres.

Nang mga panahong magkarelasyon sina kilalang aktres at ex-boyfriend nitong sikat ay itinago nila ito kasi nga bawal malaman ng fans na may girlfriend ang aktor, dahil may iba itong ka-love team.

At that time rin kasi ay hindi pa sikat si kilalang aktres kaya talagang parati siyang nasa behind lang ng sikat niyang ex-boyfriend.

Ang masama pa, nang sunud-sunod na ang hit projects ng sikat na ex-boyfriend ni kilalang aktres ay hindi na siya masyadong tinatawagan nito, pero lagi naman silang nagpapang-abot sa mga bar kapag gumigimik ang una kasama ang mga kaibigan.

At dahil harap-harapang may ibang babae ang sikat na ex-boyfriend, nagdesisyon na ang kilalang aktres na makipaghiwalay na lang, na kaagad namang tinanggap ng lalaki.

Taon ang binilang ng kilalang aktres para malimutan niya ang ex-boyfriend, kaya ngayong may iba na siyang karelasyon ay ingat na ingat siya.

As of now ay hindi pa nagkikita nang mata sa mata sina kilalang aktres at sikat na ex-boyfriend, dahil abala sila sa kanilang respective projects at nasa iisang TV network lang sila, huh!

-Reggee Bonoan