Van vs truck, 12 patay

Filed under Balita, Breaking News Balita RSS RSS Feed

Ni YAS D. OCAMPO

DAVAO CITY – Hindi bababa sa 12 katao ang naiulat na nasawi habang lima pa ang kritikal sa salpukan ng isang van at 10-wheeler truck sa Sta. Cruz, Davao del Sur, kaninang tanghali.

Ayon sa ulat ng Davao del Sur Police Provincial Office, bandang 12:30 ng tanghali at binabaybay ng Hino vehicle, na pag-aari ng Franklin Baker, ang northbound ng national highway sa Sitio Lantawan nang hindi nito kayanin ang palikong kalsada hanggang sa sumalpok ito sa 10-wheeler, na minamaneho ni Theodoro Batiocan.

Kasama ni Batiocan sa truck ang isa pang biktima na si Marly Caballero.

Kaagad namang dinala sa Davao del Sur Provincial Hospital sa Digos City ang mga nasugatan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck, habang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima.