Sexy star, walang patumangga kung magmura

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAIIYAK sa pagkaawa sa sarili ang dalawang production staff ng pelikulang ginagawa ngayon ng isang sexy star dahil sa natikman nilang mura rito na hindi pa nila natikman sa buong buhay nila.

“Kaya pala maraming may ayaw sa production na katrabaho siya (sexy star) dahil sa magaspang niyang ugali, no wonder iniiwan siya ng mga nakakarelasyon niya,” gigil na kuwento sa amin.

May eksena raw kasing nag-swimming ang sexy star at pagkatapos ay naghahanap ng shower room, pero walang makita kaya tinawag ang dalawang production staff at sila ang minura nang walang patumangga.

Pero mukhang may mali nga talaga sa production, dahil dapat ay alam nila kung nasaan ang shower room. E, nakapag-swimming nga, siyempre pang may shower room na nababanlawan.

“Nandoon na kami, kaso hindi po namin kasalanan kasi ‘yung location manager siya po ang humanap ng venue, hindi po kami ang sagot do’n kasi may iba po kaming assignment.

“Nu’ng hinanap nga po ng EP (executive producer) ‘yung LM (location manager), hindi mahanap kasi may pinuntahan yata. Hindi rin po matawagan. ‘Tapos biglang nagmumura na sa amin si _____ (sexy star). Hindi man lang po nagtanong ng maayos, tumalak na nang husto,”detalyadong kuwento sa amin.

May isang sexy star ding kasama sa pelikula pero tahimik lang at hindi nagsalita dahil nagulat din sa inasal ng kasamang sexy star.

Ang ending, mukhang nag-resign ang dalawang production staff sa pelikulang ginagawa ng sexy star.

Baka naman kasi may pinagdadaanan ang sexy star kaya mainit ang ulo lalo na’t madalang pa sa patak ng ulan ang project niya.

-REGGEE BONOAN