2 sa motorsiklo, sugatan sa banggaan

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

SAN MANUEL, Tarlac – Naospital ang isang motorcycle rider at angkas nito makaraan silang sumalpok sa likuran ng isang kotse sa Barangay Salcedo, San Manuel, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nasugatan na sina Cesar Santiago, 36, motorcycle rider; at Victor Salonga, 52, kapwa residente ng Arayat, Pampanga.

Dakong 6:30 ng gabi nang sumalpok ang Suzuki motorcycle ni Santiago sa Honda Civic ni Roberto Caoyan, 70, may asawa, ng Bgy. San Bartolome, Rosales, Pangasinan.

-Leandro Alborote