11,000 trabaho alok ng DPWH

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang programa nitong “Build, Build, Build” sa pag-aalok ng mahigit 11,000 trabaho.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang “Jobs, Jobs, Jobs” portal ang maaaring puntahan ng mga aplikante.

Aniya, maaring silipin ang www.build.gov.ph kung saan maaaring mag-apply ang mga nagnanais magtrabaho sa 10 contractor, na nangangasiwa sa infrastructure projects ng pamahalaan.

Ayon pa kay Villar, hindi lamang mga Pilipinong naririto sa Pilipinas ang maaaring mag-apply dahil bubuksan din ito para sa mga Filipino professional na nasa ibang bansa.

-Mina Navarro