Beauty queen/ actress, mahilig sa kaligayahan

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“AKALA ko ba matalino si ___ (beauty queen/ actress), napabilib niya ang mga hurado kaya siya nanalo, pero sa online shopping lang pala siya babagsak.”

Ito ang kuwento ng kakilala naming mahilig sa online shopping.

Mahilig din pala kasing mag-online shopping ang beauty queen/ actress sa kilalang pleasure shop. At dahil credit card ang gamit, hayun, lumabas ang tunay na pangalan niya kaya nabuking.

Kuwento pa sa amin ng customer service ng online shopping ay sa address nito sa condo sa Quezon City ipinapa-deliver ang pleasure goods.

Puwede raw naming i-verify ito sa logbook ng guard ng nasabing condo dahil nakalista lahat ng dumarating para sa beauty queen/actress.

Kaya naman pala nagtatagal sila ng boyfriend niyang guwapo at habulin ng mga babae dahil hot babe si beauty/queen at nasa-satisfy niya ang pangangailangan ng boyfriend.

Hmmm, mahilig din kayang mag-bake ng cookies ang beauty queen para ipatikim din sa boyfriend niya para malaman nito na magaling din siyang magluto?

-REGGEE BONOAN