Awra, touched sa pagiging thoughtful ni Riva

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGPAPAGALING si Awra Briguela sa katatapos na operasyon sa appendicitis at labis na ikinagulat ang pagbisita sa kanya sa hospital ng itinuturing niyang kaibigang si Riva Quenery, dating Girltrend member ng It’s Showtime na ngayo’y nasa recording na’t may sarili nang concert.

AWRA copy

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinarating ni Awra ang kanyang pasasalamat sa agarang pagdalaw ni Riva sa kanya nang malamang ooperahan siya.

Masaya si Awra nang malamang ipinagdarasal ni Riva ang kanyang speedy recovery.

“Ate Riva madaming-madaming salamat sa love, ate. Grabe, nalaman mo lang na nasa ospital ako ang bilis mo akong pinuntahan ‘tapos nu’ng nasa operating room ako nandiyan ka lang hanggang matapos ‘yun. Salamat sa pag-pray mo sa ’kin. Love you, ate never kong na-feel na hindi ako importante sa ‘yo,” saad ni Awra.

Parehong hilig nina Riva at Awra ang dancing. Kaya malamang na i-guest ni Riva si Awra sa mga susunod pa niyang concerts.

–Ador Saluta