Wanted sa murder, nakorner

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Hawak na ng awtoridad ang isang wanted sa kasong murder matapos masakote sa manhunt operation sa Barangay Rafael Rueda, Sr. sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng umaga.

Pinangunahan ni SPO2 Joel C. Beltejar, intelligence chief ng San Jose City Police station, ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na hindi pinangalanan.

Sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Eleonor Teodora Marbas-Vizcarra, ng RTC Branch 89, Baloc. Sto. Domingo, Nueva Ecija, ay nakorner ang sekyu, bandang 4:00 ng hapon. Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong paglaya.

-Light A. Nolasco