Mangingisda dedo, 2 pa sugatan sa kidlat

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CALAUAG, Quezon – Patay ang isang mangingisda habang sugatan ang dalawang iba pa matapos tamaan ng kidlat habang nasa gitna na laot lulan sa bangkang pangisda sa Lamon Bay na sakop ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, kinilala ang nasawi na si Arnold S. Calapan, 52, ginagamot naman sina Luisito B. Calaparan, 49; at Vincent Valles Magana, 17, pawang taga-Barangay Sinag ng naturang bayan.

Ayon kay Joel L. Jundak, may-ari ng bangkang de motor, tinamaan ng kidlat ang mga biktima habang nangingisda bandang 4:10 ng hapon nitong Huwebes.

Dagdag pa sa ulat, anim ang sakay sa bangka at dalawa lamang ang hindi tinamaan ng kidlat.

-Danny J. Estacio